English Español 汉语 Tagalog Tiếng Việt
UPDATE, 6/10/2020 - Simula Hunyo 15, dadagdagan ng Caltrain ang serbisyo nito sa mga araw Lunes hanggang Biyernes habang binabawasan na ang mga restriksyong shelter in place (pananatili sa bahay). Sa naka-update na iskedule, 70 tren ang patatakbuhin kada araw sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes, na dumami mula sa kasalukuyang 42. Mananatiling hindi nagbabago ang serbisyo sa mga araw ng Sabado at Linggo.
Ang pinahabang iskedyul ay mas magiging madalas, na may hanggang tatlong tren kada oras sa panahong abala ang mga pag-commute. Babawasan din ng Caltrain ang mga oras ng pagbiyahe sa pamamagitan ng pagbabalik ng Limited na serbisyo at isang-katlo ng mga pang-araw-araw na balikang biyahe papunta/mula sa Gilroy Station. Ang mga tren sa mga oras na hindi abala ay hihinto kada oras sa pagitan ng 5 a.m. at hatinggabi sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes. Ang lahat ng tren ay magpapatakbo ng mga pangkat ng 6 na sasakyan upang pahintulutan ang pisikal na pagdidistansya kapag lulan ng sasakyan.
Nakipag-ugnay ang Caltrain para sa iskedyul nito sa mga kalapit na ahensya ng transit upang mapahintulutan ang mga nasa oras na paglipat sa BART sa Millbrae Transit Center at VTA light rail sa mga Istasyon ng Mountain View, San Jose Diridon at Tamien.
Habang unti-unting dumarami ang sumasakay, magsusubaybay ang Caltrain upang masigurong magagawa ng mga pasahero ang pisikal na pagdidistansya alinsunod sa mga patnubay ng Center for Disease Control (CDC, Sentro ng Pagkontrol ng Sakit) at maaaring magpatupad ng mga karagdagang pagbabago sa serbisyo kung kailangan.
UPDATE, 3/26/2020 - Dahil sa malaking pagbawas sa mga sumasakay na resulta ng coronavirus (COVID-19) pandemic, higit pang babawasan ng Caltrain ang serbisyo ng tren tuwing Lunes hanggang Biyernes nang walang tiyak na panahon simula Lunes, Marso 30.
Ang binagong schedule tuwing Lunes hanggang Biyernes ay mag-ooperate ng 42 tren bawat araw, sa halip na karaniwang 92. Gagawin ng tren ang lahat ng lokal na paghinto Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng San Jose at San Francisco tuwing 30-60 minuto, depende sa oras sa araw. Patuloy na io-operate ng Caltrain ang dalawang nagseserbisyong tren ng Gilroy sa umaga at hapon na marami ang sumasakay. Sususpindihin ang limitadong serbisyo at ang serbisyo ng Baby Bullet hanggang sa magkaroon ng karagdagang abiso.
Makikita sa www.caltrain.com ang na-update na schedule tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Magpapatuloy na mag-operate ang serbisyo para sa Sabado at Linggo gaya ng karaniwan.
Ang mga karagdagang pagbawas ng schedule na ito ay kinakailangan upang bawasan ang matinding pagkalugi sa kita mula sa pasahe, habang nagbibigay pa rin ng kinakailangang mga serbisyo ng transportasyon sa lahat ng istasyon sa corridor ng Caltrain. Sinusubaybayan ng Caltrain ang mga sumasakay sa panahong ito at maaari itong magpatupad ng mga pagbabago sa karagdagang serbisyo gaya ng kinakailangan, habang tinitiyak na mapapanatili ng mga sumasakay ang pagdistansiya sa tao alinsunod sa mga rekomendasyon ng Mga Center para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC). Patuloy na pananatilihin ng Caltrain ang araw-araw na paglilinis sa loob ng sasakyan at mga protokol ng sanitasyon nang sinusunod ang mga alituntunin ng Ahensiya ng Proteksyong Pangkapaligiran (Environmental Protection Agency, EPA).
Sinusuri ng Caltrain ang epekto ng nabawasang sumasakay sa kakayahan ng ahensiya na mapanatili ang mga operation sa mga darating na buwan. Bumaba ang mga benta ng One-way at Day Pass ticket ng humigit-kumulang na 86% mula sa mga lebel bago ang kasalukuyang krisis sa kalusugan. Sa unang araw ng Utos para sa Kalusugan ng Publiko sa buong Bay Area, naitala ng Caltrain ang 95% pagbaba sa karaniwang benta ng ticket araw-araw. Dahil walang ibang nakalaang pagkukunan ng pondo, umaasa ang Caltrain sa mga pasahe upang matugunan ang 70% gastos ng system sa pag-ooperate.
Dahil sa matinding pagbaba ng dami ng sumasakay bunga ng utos para sa kalusugan ng publiko, ang mga ahensiya ng transportasyon, tulad ng Caltrain ay nakakaranas ngayon ng matinding kahirapang pinansyal. Inaprubahan ang pederal na batas na maaaring magbigay ng pondo sa mga ahensiya ng transportasyon sa buong bansa upang mapanatili ang pag-operate. Nakikipagtulungan ang Caltrain sa Metropolitan Transportasyon Commission upang matukoy kung paano ilalaan ang mga pondong iyon sa buong Bay Area.
UPDATE, 3/16/2020 - Patuloy ang Serbisyo ng Caltrain Habang Ipinapatupad ang Utos na "Shelter in Place (Manatili sa Bahay)" para sa Kalusugan ng Publiko.
Naglabas ng Utos para sa Kalusugan ng Publiko na inaatas sa mga residente ng Bay Area na nasa anim na county, kasama ang San Francisco, San Mateo at mga county ng Santa Clara na manatili sa bahay dahil sa coronavirus (COVID-19). Ang mga serbisyo ng pampublikong transportasyon, tulad ng Caltrain ay tinukoy bilang "mahalaga" ayon sa utos at magpapatuloy itong mag-ooperate, gayunpaman, limitado ang paggamit ng pampublikong transportasyon sa mahalagang kinakailangang pagbibiyahe lamang.
Mag-ooperate ang Caltrain sa schedule na bawas ang abalang oras na ipapatupad bukas, Marso 17. Ang serbisyo para sa abalang oras sa umaga at hapon ay hindi na magtatampok ng Serbisyo ng Baby Bullet. Ang bagong schedule sa bawat araw ay makikita sa www.caltrain.com.
Patuloy na mag-ooperate ang lokal at limitadong serbisyo, bilang serbisyo sa hindi abalang oras, kasama ang serbisyo sa kalagitnaan ng araw at sa weekend. Palaging susubaybayan ng Caltrain ang mga sumasakay na pasahero sa panahong ito at maaari itong magpatupad ng mga karagdagang pagbabago sa serbisyo, kung kailangan. Mahigpit na susubaybayan ang mga sumasakay na pasahero upang matiyak na magagawa ng mga sumasakay ang pagdistansiya sa tao ayon sa mga alituntunin ng Center para sa Pagkontrol ng Sakit (Center for Disease Control, CDC). Magpapatuloy ang Caltrain na panatilihin ang araw-araw na paglilinis ng sasakyan at mga protokol ng sanitasyon nang sumusunod sa mga alituntunin ng Ahensiya sa Pangkapaligirang Proteksyon (Environmental Protection Agency, EPA).
Bago ang utos, sinusuri na ng Caltrain ang kabuuang epekto ng nabawasang sumasakay na pasahero sa kakayahan nitong mapanatili ang mga operation sa mga darating na buwan. Bumaba ng humigit-kumulang na 75% ang mga antas ng mga benta ng One-way at Day Pass ticket dalawang linggo ang nakalipas, at inaasahan ang mas maraming malaking pagbawas sa mga sumasakay na pasahero. Dahil walang ibang nakalaan na pagkukunan ng pondo, umaasa lang ang Caltrain sa mga pasahe para matustusan ang mga gastos sa pag-ooperate ng system.
Ipapatupad ang utos para sa kalusugan ng publiko nang hanggang Abril 7, 2020, ngunit maaari itong palawigin o bawasan.
UPDATE, 3/13/2020 - Ang serbisyo para sa abalang oras sa umaga at hapon ay hindi na magtatampok ang Serbisyo ng Baby Bullet. Ang bagong schedule sa bawat araw ay makikita sa www.caltrain.com.
Patuloy na mag-ooperate ang lokal at limitadong serbisyo gaya ng nakaiskedyul, bilang serbisyo sa hindi abalang oras, kasama ang serbisyo sa kalagitnaan ng araw at sa weekend. Palaging susubaybayan ng Caltrain ang mga sumasakay na pasahero sa panahong ito at maaari itong magpatupad ng mga karagdagang pagbabago sa serbisyo, kung kailangan.
Sinusuri ng Caltrain ang magiging kabuuang epekto ng nabawasang sumasakay na pasahero sa kakayahan nitong mapanatili ang mga operation sa mga darating na buwan. Bumaba ng humigit-kumulang na 75% ang mga antas ng mga benta ng One-way at Day Pass ticket dalawang linggo ang nakalipas. Dahil walang ibang nakalaan na pagkukunan ng pondo, umaasa lang ang Caltrain sa mga pasahe para matustusan ang mga gastos sa pag-ooperate ng system.
UPDATE, 3/4/2020 - Sa kabila ng pagkalat ng Novel Coronavirus (COVID-19) sa Bay Area, sinusubaybayan ng San Mateo County Transit District ang sitwasyon at nagpapanatili ito ng regular na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kalusugan ng publiko, ang Metropolitan Transportation Commission at ang Centers for Disease Control (CDC). Ang Transit District ay ang nangangasiwang lupon para sa pangunahing pampublikong transportasyon at mga programa ng transportasyon sa San Mateo County, kasama ang serbisyo ng bus ng SamTrans at serbisyo ng tren ng Caltrain para sa commuter.
Gaya ng inulat ng CDC, nananatiling mababa ang napipintong panganib sa publiko na dulot ng COVID-19. Gayunpaman, nauunawaan namin na maaari itong magdulot ng mga pagkabahala sa kaligtasan sa mga pampublikong lugar, kasama ang pampublikong transportasyon. Kaya, gusto naming paalalahanan ang mga pasahero tungkol sa mga pag-iingat na inirerekomenda ng CDC na kailangang gawin ng lahat habang sakay ng pampublikong transportasyon upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit:
- Hugasan ang inyong mga kamay ng sabon at tubig bago at pagkatapos sumakay ng pampublikong transportasyon. Kung walang magagamit kaagad na sabon at tubig, gumamit ng hand sanitizer na gawa sa alkohol na may hindi bababa sa 60% alkohol.
- Iwasang hawakan ang inyong mga mata, ilong at bibig.
- Iwasang hawakan ang inyong mga mata, ilong at bibig.
- Huwag umubo sa inyong mga kamay. Takpan ang inyong ubo o bahin ng inyong siko.
- Manatili sa bahay kung may sakit kayo.
Habang ang mga bus ng SamTrans at tren ng Caltrain ay palagiang nililinis at dinidisimpekta, ang pagsunod sa mga rekomendasyong ito ay ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit habang nakasakay. Nagbahagi rin ang Caltrain at SamTrans sa mga tauhan ng ahensiya ng impormasyon tungkol sa pag-iwas upang matiyak na mananatili silang ligtas at malusog kapag naglilingkod sa publiko.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 sa mga komunidad na pinaglilingkuran ng SamTrans at Caltrain, mangyaring tingnan ang impormasyon at gabay na ibinibigay ng mga sumusunod na ahensiya para sa kalusugan ng publiko:
- San Francisco Department of Public Health
- San Mateo County Health Department
- Santa Clara County Public Health Department
- Centers for Disease Control
Patuloy naming susubaybayan ang sitwasyon habang nangyayari ito at tutugon kami kung kinakailangan sa pakikipagtulungan sa aming mga katuwang sa kalusugan ng publiko at transportasyon.
Mag-ingat, hugasan ang inyong mga kamay at sumangguni sa mga ahensiya para sa kalusugan ng publiko upang bawasan ang panganib ng pagkakalantad.
Jim Hartnett
General Manager/CEO ng San Mateo County Transit District